“Salamat sa ating mga Guro dahil sa inyo kami’y naging doktor. Kayo ngayo’y aming pasasalamatan, inyong kalusuga’y aming iingatan; mapaminsalang kanser sa kababaihan, buong pusong aagapan at lalabanan.”
TINGNAN. Kasalukuyang nagaganap ang “Tulong Medikal sa ating mga Guro at Kababayan”, ngayong ika-2 ng Oktubre sa San Felipe Elementary School (West) bilang pagbibigay pugay at respeto sa ating mga guro sa pagdiriwang ng National Teacher’s Day.
Handog ng LGU San Felipe, sa pangunguna ni Mayor Reinhard “Hart” Jeresano, sa suporta nina Vice Mayor Mary Ann Quiba, Sangguniang Bayan Members, at sa tulong nina Governor Hermogenes “Jun” Ebdane Jr, Zambales 2nd District Rep. Nanay Bing Maniquiz at ng TINGOG Partylist.
Serbisyong Ob-Gyn Check Up, Optical/Eye Check Up, HPV Vaccine, At Anti Pneumonia Vaccine at Lecture patungkol sa Cervical at Breast Cancer ang hatid para sa ating mga Guro at Kababayan sa Bayan ng San Felipe.
Magpapatuloy po ang ating Tulong Medikal, BUKAS araw ng Lunes.
Salamat po.