TINGNAN. Bilang pakikiisa sa International Coastal Clean-Up Day, matagumpay na isinagawa sa kahabaan ng baybayin ng San Felipe, sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan, sa pamumuno ng ating masipag na Punong-Bayan, Engr. Reinhard “Hart” Jeresano, kasama ang mga Sangguniang Bayan Members, sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa iba’t ibang mga ahensya ng Gobyerno, mga lokal na organisasyon at mga paaralan sa bayan ng San Felipe.
Layunin ng International Coastal Cleanup ang hikayatin ang mga tao sa buong mundo na alisin ang mga basura mula sa mga dalampasigan, daanan ng tubig at iba pang mga anyong tubig, upang matukoy ang mga pinagmumulan ng mga basura, baguhin ang mga gawi na nagdudulot ng polusyon at itaas ang kamalayan tungkol sa problema sa marine debris.