Nagdaos ng kauna-unahang paligsahan ng malikhaing karison ang Lokal na Pamahalaan ng San Felipe sa pamumuno ni Mayor Reinhard Hart Jeresano na pinangasiwaan ng Municipal Tourism Officer Ajieboy Abad. Ang programa ay sinuportahan ng ating Vice Mayor Mary Ann Quiba at Sangguniang bayan members.
Ang mga naggagandahang karison ay masiglang ipinarada ng bawat barangay na nasulyapan ng ating mga kababayan. Nagsimula sa Public Auditorium at natapos sa Angalo-Lubong Nangoloan Falls ang parada.
🏆 CHAMPION- Barangay Sto. Nino
🥇 Place- Barangay Rosete
🥈 Place- Barangay Maloma
Nakatanggap naman karagdagang P2,000 ang barangay na nagkamit ng natatanging karangalan gaya ng Barangay Sindol (Most Colorful Karison),
Barangay San Rafael (Most Unique Karison), at Barangay Balincaguing (Most Practical and Safe Karison).
Nagkaron rin ng parangal para sa Best Hinete at Best Carabao na napanalunan ng Barangay Maloma at ng Barangay Rosete.
Ang programa ay dinaluhan ng mga bisita mula sa Provincial Tourism Office at sa Department of Tourism Region III.