Nagdiwang ang mga Guro ng San Felipe District ng kanilang Teachers’ Day sa San Felipe Elementary School (West) Covered Court na may temang “Gurong Flipino: Dangal ng Sambayanang Filipino”
Nauna nang nagpahayag ng pagmamahal ang ating Punong Bayan sa programa nitong Tulong Medikal para sa ating mga Guro at Kababayan nitong nakaraang araw ng Linggo at Lunes. Samantala nitong araw ng Miyerkules naman, nagbahaging muli ang Pamahalaang Bayan ng San Felipe ng Gift Packs at inumin para sa lahat ng Guro, kakanin para sa bawat paaralan kasama ang mga Sangguniang Bayan ng San Felipe, sa pangunguna ni VM Mary Ann Quiba. Kung saan sila mismo ang nagbigay ng mga kakanin at Inumin para sa ating mga Guro.
Nagpahayag rin ng ng suporta ang ating mahal na Gobernador Hermogenes “Jun” Ebdane Jr sa mga ibinahagi nitong mga appliances para sa ginawang raffle ng Distrito ng San Felipe at si Nanay Bing Maniquiz na nagbahagi ng Polo Shirt para sa lahat ng Guro sa bayan ng San Felipe.
Muli, pagpupugay at pagsaludo po sa inyong pagpapagal.
MABUHAY PO KAYO!











