Isang makasaysayang umaga kapwa San Felipeneans. A very beautiful and historical morning to each and everyone.

Happy 111th Foundation Day. Today, we look back at our rich history and culture as we commemorate the 111th year when the Municipality of San Felipe, Zambales was separated from the Municipality of San Narciso upon the recommendations of the Honorable Alberto Barretto, then Delegate to the Philippine Assembly from the Province of Zambales as well as the provincial board at that time, and by virtue of the Executive Order issued by the Governor General James F. Smith of the then Government of the Philippine Island Executive Bureau.

Today, San Felipe has become one of the model municipalities in the Philippines where communities and its people are able to excel in various fields and most of all has exhibited a deep sense of community involvement, cooperation and most of all, a higher sense of pride as a San Felipenean.
Malayo na nga ang ating narating at hindi na rin maikakaila na unti unting nakikilala ang San Felipe bilang isa sa mga progresibong bayan hindi lamang sa larangan ng ekonomiya o sa komersiyo o dami ng negosyo at kalakal, kung di, lalo na sa antas ng pakikipagtulungan, disiplina at pakikipagisa ng bawat mamamayan sa mga gawaing pangkaunlaran na tunay na nagpaangat ng kalidad ng buhay ng bawat mamamayan. Sa totoo lang po, pag ako ay nagpapakilala sa ibang bayan sa aking pag-iikot, pag nasabi ko na ako ay tiga San Felipe, tumataba ang aking puso na marinig ang mga salitang pagpuri na—ay sa San Felipe, pinakamalinis yan, pinakamaganda ang palengke, progresibong bayan, maganda dyan, progresibo na dyan, award-winning ang bayan nay an, at higit sa lahat, disiplinado ang mga tao riyan.

We celebrate our 111th Foundation Day to also pay tribute to the men and women who have shaped San Felipe and brought us to where we are now. We continuously remind ourselves to look back, express appreciation and say thank you to our forefathers, former leaders whether in government or various private organizations, as well as community officials and volunteers who despite the challenges they have to face, remained steadfast and committed to push San Felipe, in the best way they could to become the San Felipe we envisioned it to be. Sa ating pong lahat lalo na sa mga kabataan, ating binibigyang halaga ang araw na ito upang patuloy na lumingon sa ating pinangalingan, upang magpasalamat at patuloy na bigyang karangalan ang ating mga ninuno lalo na ang mga naging opisyal, mga nanungkulan sa pamahalaan, mga boluntaryong nagbigay ng kanilang serbisyo at marahil ay nagbuwis pa ng kanilang mga buhay para mapanatili ang kaayusan, katahimikan at kagandahan ng ating munting bayan.

With our 111th Foundation Day Theme, San Felipe as One at 111th, I call upon everyone to continuously commit each of ourselves to contribute always for community development. Lahat tayo, bawat San Felipenean ay kasali sa pagpapaunlad ng ating bayan, sa pagpapaayos at pagpapaganda ng ating kapaligiran. Responsibilidad natin ang pagpapanatili ng katahimikan sa ating bayan. Hinihikayat ko ang lahat n asana ay ipagpatuloy ang pakikipagkaisa, ang disiplina, ang pagtupad sa mga alituntunin para sa lalong ikaangat ng Bayang San Felipe. Ito na marahil ang pinakamataas na paraan para mabigyang halaga natin at tunay na maparangalan ang mga taong naghirap, nagmalasakiit at nagsakripisyo para sa kaunlaran ng bayan.

Simultaneous with our 111th Foundation Day for March 1, 2019, we also officially open our Women’s Month Celebration. Led by our largest women organization, the Samahang Zambaleña San Felipe, Inc. headed by the Federation President Former Councilor Lilia Balmaceda and the 2018 Zambalena beauties led by the Queen of 2018, Former Barangay Kagawad Norita Ablian, today is a day of remembering also the important and valuable role of women in nation-building specially here in San Felipe. Ito po ay isang pagpapaalala na palaging bigyang respeto, halaga at pang-unawa ang mga kababaihan ditto sa ating bayan. Palagi po nating alalahanin at ilagay sa puso na wala ni isa man sa atin ditto sa mundo kung wala ang ating mga magulang na nagluwal sa atin, ang ating mg nanay, inang, mama o inay na tunay na nagsakripisyo para sa ating kapakanan. May iba man na siguro ay iniwan o pinaalaga sa iba, pero sigurado ako na palaging may tumatayo na naging nanay o mother figure na nagpatibay ng pagkatao, na kahit sino man sakanilasa ay dapat palaging parangalan at pasalamatan. Ang ating tema para sa celebrasyon ng Buwan ng Kababaihan sa taong ito ay: “We make change for Women”. Sa mga pagbabago sa ating kapaligiran, mga makabagong teknolohiyang dumarating, pinapaalalahanan tayo na ganun oa man ay palaging bigyan pansin at konsiderasyon ang kapakanan at karapatan ng kababaihan. Wag sana manaig ang pagmamalabis, pananamantala,pananakit o kahit pananalita ng masama, pagmumura, panlalait at kawalan ng respeto para sa ating kababaihan. Ang ano mang insidente ng karahasan o abuso para sa kababaihan lalo sa mga misis mula sa kanilang mister, lalo na sa mga nakakatanda laban sa kabataang babae, lalo na mula sa magulang laban sa kanilang anak, na magaganap dito sa ating bayan ay pinahiwatig ng isang malaking problema para sa ating komunidad- yan ay kawalan ng respeto sa kapwa. Walang silbi ang kaunlaran ng ekonomiya kung di naman pala marunong rumispeto lalo na ang kalalakihan para sa mga kababaihan ditto sa ating bayan. Nakakahiya ang isang komunidad na ang kaniyang kalalakihan ay nalilimutan na ang babae ay ang mas mahinang sekta ng lipunan na kailanman di dapat pinagmamalabisan. Kapag naman ang ating bayan ay maipanatili na walang ano mang insidente ng pagmamalabis o pananakit o pangigipit o pagsasalita ng mga bagay na makakapagpababa sa katayuan ng ating mga kababaihan lalo na sa ating mga misis, anak na babae o mga inang o lola, ito ay isang patunay lamang na kahit pa tayo ay umuunlad nananatili pa rin ang mga mahahalagang ugali ng ating pamayanan. If we have zero incidence of maltreatment, violence, or abuse, verbal or physical, specially for the women of San Felipe, then and only then that we can proudly say that San Felipe is truly genuinely progressive.

To you my kababayan, carry on the tradition of caree, unity, loyaly, respect and excellence, panatilihin ang kaugalian ng pagmamalasakit, pagkakaisa, katapatan sa bayan, paggalang sa karapatan lalo na para sa mga kababaihan at higit sa lahat ang kahusayan sa lahat ng gawain.

Again, Happy 111th Foundation Day my beloved kababayans, it’s a celebration of who we are, what we have become and where we are heading together as ONE San Felipe. Mabuhay at maraming salamat po.